Habang nagbabasa ako ng mga locally published books [meaning
mga true-blooded Filipino ang authors and publishers] na dugo’t pawis ang
ipinuhunan ko [kasi mas oks nang di ako makakain ng tatlong beses isang araw
may maipon lang ako pambili ng matinding adiksyon ko]. Bigla bigla na lamang
mayroon akong naisip. Well, sa totoo lang madalas ako mag-isip ng mga bagay
bagay sa mundong to so yun nga medyo madugo kung ganun din ang daang tinatahak
nyo kasi mahirap mag-isip ng mga bagay na dapat mong iisipin. Basta, ewan,
naging hobby ko nalang bigla ang mag-contemplate pero wait nga lang puputulin
ko na yung eksplanasyon about dun kasi malilihis na naman tong isusulat ko weh.

