Friday, October 19, 2012

Ano nga ba ang “most used word” sa tanang buhay mo? Or ko pala.

Share it Please


Habang nagbabasa ako ng mga locally published books [meaning mga true-blooded Filipino ang authors and publishers] na dugo’t pawis ang ipinuhunan ko [kasi mas oks nang di ako makakain ng tatlong beses isang araw may maipon lang ako pambili ng matinding adiksyon ko]. Bigla bigla na lamang mayroon akong naisip. Well, sa totoo lang madalas ako mag-isip ng mga bagay bagay sa mundong to so yun nga medyo madugo kung ganun din ang daang tinatahak nyo kasi mahirap mag-isip ng mga bagay na dapat mong iisipin. Basta, ewan, naging hobby ko nalang bigla ang mag-contemplate pero wait nga lang puputulin ko na yung eksplanasyon about dun kasi malilihis na naman tong isusulat ko weh.

Anyway, yun nga habang nagbabasa ako bigla nalang nag-pop sa isipan ko kung ano nga ang most used word/s ko at ng mga awtor na nababasa ko. Wala lang, pampalipas oras lang kaya kung anu-ano na naman ang naisipan kong gawin. Kaya sinimulan ko nga ang malalimang pagsasaliksik [naks! May pa-ganun ganun pa talaga weh nuh?], binasa ko si Master Bob Ong, si expert sir Eros Atalia, ang award winning novelist na si Ricky Lee, ang mga royalties na sina Nick Joaquin, Ambeth R. Ocampo, Jose Villa, Paz Marquez Benites, F. Sionil Jose, Bien Lumbera at etc etc.Syempre obvious naman na lahat ng nabanggit ko di naman nagsusulat sa Tagalog na lengguwahe. Sa totoo nyan isininggit ko lang yung royalties pagpasensyahan nyo na kasi mga tinitinggala ko yung mga yun kumbaga sa catholic communities mga  Santo Papa.

So ayun na nga ang naganap, dahil ginusto kong mag-formulate ng isang hard core na tanong yung tipong feeling ko ako pa lang nakakapag-isip may napagtanto ako sa sarili ko at yun ay walang iba kundi pinahirapan ko na naman ang sarili ko. Ade sana kung binasa ko nalang yung mga OPB [Original Pinoy Books hence, OPM] at saka ini-absorb at inintinding mabuti ang mga nilalaman nun mas madali na sana ang buhay natin ngayon pero dahil gusto kong maging unusual na nilalang kumpara sa iba pinatos ko na naman ang ideya. Well, gusto nyo bang malaman kung ano ang findings sa isinagawa kong extensive research? Kung ano ba ang “most used work” na masasabi ko? Handa na ba kayo? As in to the highest level na ba ang pag-aabang nyo sa sagot? Well… It’s no other than….


*drum rolls please*


No other than…


*Kabog sa dibdib*


Than…




Wala, null, [ ], 0



Tama ang nabasa nyo wala talaga. Kahit anong pilit ko wala talaga weh. Ngayon, nakikita at nababasa ko ang tumatakbo sa isip nyo isang pagsasayang lang ng panahon ang ginawa kong pagsasaliksik well, maniwala man kayo at hindi, yun din ang naisip ko. Nagyabang lang ako we wala naman akong napala sa huli kumbaga nagmagaling lang para masabing may alam.

Pero alam nyo bang may napagtanto na naman ako sa ginawa kong yun? Oh yeah! Parang saglit na sinaniban ako ng isang sobrang talinong nilalang at binulungan yung isipan ko na may saysay naman yung ginawa kong research wag nga lang akong tatanga tanga at subukan mag-go deeper into the context of my concern. GInawa ko nga sya and thank God! May nakita akong pagkakamukha at resemblance ng bawat isang awtor na binasa ko.

Yun ay ang di nagbabagong “social view and awareness” ng mga Pilipinong tulad ko. Mantakin mo simula’t simula pa lang kay kopong kopong di na pala nagbago kahit uhmm well siguro mga 10-15% may nagbago sa ating social awareness. Kasi kung ikaw try mong basahin si Jose, si Nick at si Bob makikita mong yung tema ng mga istorya na iprino-produce nila parang magic na in sync at related sa bawat isa. Therefore, kung tama man ang conclusion na na-devise ko sa isipan ko that means, walang masyadong ipinagbago ang social views natin kumpara nung way back Jose pa. Imagine? We’re great! Pinanindigan natin ang kung ano tayo noon ganun pa din tayo ngayon. Well, di ko ma-explain kung ano yung bagay na gusto nilang baguhin. Kasi kung ako lang ang tatanungin mas liberated na tayo ngayon [naks ume-english ulit?] compared nung konserbatib pa tayo. Ewan ko kung good thing bay yun or bad pero yun lamang ang naiisip ko.

Ayan tuloy humalukay pa ko ng mga changes na nakita ko compared nung panahon pa nina Rizal. Trabaho naman.Well, na-curios lamang naman. Pero yun nga na-amaze lang ako na sa tinagal tagal na ng panahon na lumipas iisa’t isa pa din yung tema na nakikita ng mga tinitingala ko at iniidolo kong tao that means, chronic na ata ito? Ewan kasi di ba? Mula sa iba-ibang henerasyon at panahon ngunit pare-pareho sila ng nakikita na isyu.

So yun lang naman. Naisip ko lang. weird nuh? Ganyan ata pag wala kang pinagkakaabalahan kaya kung anu-anong bagay ang gusto mong isipin at i-analyze. Hahahaha. Gayunpaman, i-shinare ko lang naman sya para di lang ako yung namrumrublema di ba? Generous ba? Well ganyan talaga ang buhay. Share what you have nga ang ika nila I’m just fulfilling it. =)))))))
Salamat na rin at salamat. =)))))







-allystuffandetc

No comments:

Post a Comment

Followers

About Me

My Photo
Ally D
An ordinary girl living in an extraordinarily crazy world. A Peacemaker. A Love Advocate. An Art Lover And Generally UNCLASSIFIABLE
View my complete profile